Wow. Antagal ko nang hindi napapadpad dito sa blog ko ah. After months of hibernating, I’m baaaaack!! (as if anyone cares, hmph.) Pero ikaw…Ha! Huli ka! Interesado ka sa buhay ko, no? Bwahaha.  Sad to disappoint, pero sa ngayon, wala masyadong kulay ang buhay. I Sigh. Wherefore art thou oh rainbow? Wala lang. Rhyme lang. That’s the wannabe pwet poet in me.

Napaka bum ko talaga. Gaah. Ang ginawa ko lang sa araw na ‘to ay humiga sa harap ng laptop at manood ng My Girl. For 6 straight hours. Yippee. Nagrereklamo na nga ang mga mata ko, overworked na daw siya. Sagot ko naman, excuse me! At least napaka-eye candy ng nakikita mo, noh! Ang cute kaya ng mga antics ni Jasmine! At ang mala-Dao na ngiti ni Julian! At ang moments ni Niko/Jasmine (mas type ko silang dalawa. Ansaya nilang panoorin eh.) Dapat mag- xie xie! pa nga yung mga mata ko sa kin, sa halip na magreklamo. Haaay. Sulit talaga yung My Girl dvd na nabili ko, biro mo 100 bucks for the whole season (16eps)! Ang ganda pa ng quality, yung subtitles nga lang medyo nakabobobo pero bearable naman. Aatakihin ko ulit ang Quiapo, sa oras na magkapera ako. At kelan naman kaya ulit yun diba? Gusto mong mag-donate? For a measly php100 you can have Anna’s eternal gratitude. Oh, and there’s more: if you donate NOW you will have a chance to participate in Anna’s future film productions. Isn’t that rad or what? It’s an opportunity you wouldn’t want to miss! Say hello to her, say hello to stardom! XD Sorry, just amusing myself here.

Para sa minamahal ko, sorry na. Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari. Ano ba ang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako? Importante ka sakin, alam mo naman yun, diba? Ikaw ang nagbibigay buhay sa akin; ang pagkawala mo ay kamatayan ko. Ang sakit sakit ng iyong ginawa, pero nandito pa rin ako at naghihintay…  Kaya mahal ko, bumalik ka na sakin. Matagal na akong nakakaramdam ng ginaw at kailangn kong uminit muli. Tara na’t ipasok mo na ang iyong ano sa aking ano. Miss na kita. I love you, Charger, and you alone. Forever yours, Cellphone. (At anong akala mo, ha?! Ang korni ko, tsktsk.)

Putakteng charger kasing to eh, nakipag LQ nanaman kay cellphone. Kaya ayan naglayas at hindi ko na makita. Bwiset. Wala nang battery si cellphone! Noooo! Wala na akong daily supply of text jokes and quotes. Paano na ang mga fans ko (kunyari meron, maki-ride ka nalang) at hindi ko sila narereplayan?! Ang sama kong nilalang! Kasalanan mo ang lahat ng ito, charger! Humanda ka sa akin! Hindi solusyon ang pagtakbo sa mga problema! At! Paano naman kaya ako magigising ng maaga bukas diba, wala na akong alarm clock. Bye bye natsci, ika-cut na kita. Joke. Conscience, gisingin mo nalang ako ng mga 7am. Deal or no deal? Deal? Sigurado ka ha, panindigan mo yan; wag kang matulad sa mga politiko. Sige, matutulog na ako…

Currently feeling: sleepy
Posted by chronicwind on August 27, 2006 at 10:21 PM | 2 caught a feather
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

shiela (guest)

Comment posted on August 30th, 2006 at 03:55 PM
hey!!
adik ka na sa channel 2 ah!!
change mo nga tong layout ng comment mo..ang hirap maglagay ng url..anyway text mo na lang kung may program dyan ah..pupunta ako

bea (guest)

Comment posted on August 31st, 2006 at 12:17 PM
oi shiela! hinde, bumili ako ng my girl dvd...180 pesos lang! sulit talaga, buong season na yun ha! ^_^ gusto ko na ngang palitan ang buong layout ko eh, kaya lang wala pa akong time gumawa ng bago. Anyway, program saan? ahaha sige txt kita :D