Gusto ko sanang binyagan itong blog ko ng isang makabuluhang sanaysay, pero hindi, hindi!! Kailangan kong magdada at magdada tugkol sa pagsilang ng blog ko, kaya pasensya na.

Magsimula tayo sa pamagat: Chronicle of the Wind. Ang pamagat na yan ay bigla nalang pumasok sa utak ko(wow may utak ako) tapos halos kapareho niya ang Chronicle of the Wings (tsubasa reservoir chronicle) kaya iyon ang nagbigay-diwa* sa layout na ito. Bakit naman Chronicle of the Wind? Chronicle dahil ito ay tala ng aking historya, isama mo na dyan ang mga pananaw at repleksyon. Bakit naman Wind? Dahil sa isang malalim na dahilan: magandang pakinggan. haha, joke lang. Ang hangin kasi kung saan saan napupunta...kung saan saan nakararating. Sigurado, sa isang sandali ng buhay mo, nahipo ka nito . Tsaka ito pa: wind - a tendency or force that influences events. Yan ang pinapangarap ko,  makaimpluwensya ng pangyayari - isang positibong pangyayari na ikabubuti ng masa. (ayos! panindigan ang masscom! ahaha. plastik ba? )

Dati ko pang binabalak gumawa ng bagong blog, mula noong pinatay ko ang kaawa-awa kong purplehaven (rest in peace). Pero ayun, dulot ng aking überprocrastination, ngayon lang ito ipinanganak. Gusto kong isipin na huminog* naman ang aking pagsusulat kahit konti, pero mukhang hindi pa rin...kaya eto, nagpapraktis ako.

2.31 na, magandang umaga at paalam.





*magbigay-diwa = inspire. o ha, me natutunan kayo n_n
*nag-mature. peste, kailangan pang tignan sa ol eng-tag dictio.
Currently listening to: the sound of silence.
Currently reading: your mind. hwaha.
Currently watching: time pass by.
Currently feeling: sleepy
Posted by chronicwind on June 12, 2006 at 02:33 AM | catch a feather
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.