Ilang beses ko nang ipinangako sa sarili ko na sa multiply na ako magsusulat...pero binabalik-balikan ko pa rin tong blog na to. Ewan ko , pero mas feel ko parin dito magpost. Bakit kaya? Dahil ba sa layout? dahil ba nasanay akong fill-upan ang text box na ito? hmm, sa tingin ko dahil natatakot akong mahusgahan base sa mga sinusulat ko, pero hindi naman maiiwasan. Hindi pa talaga ako ganun katapang upang magsulat ng mababasa ng madla - ang madlang binubuo ng mga kakilala ko. okay lang dito, kasi konti lang naman ang may alam ng blog kong ito...at wala rin namang nagbabasa, pwera ikaw. Sa bagay, pwede namang i-private ang blog dun, pero parang hindi akma sa catchphrase ng multiply na "share your life with your friends". okey ang gulo gulo na...

ah basta. mas gusto ko ditong magblog. pero gusto kong gustuhing magblog sa multiply. okey? yun na yun..

peste yung MPs 10, gusto ko nang i-cancel. pwede pa ba? kasi naman, hindi si sir vladimeir gonzales (na ayon kay clang ay ubercool na prof) ang dumating, ngunit si prof ligaya rubin, na mejo strikta. ang daya, sabi sa crs dati si sir vlad (feeling close) , tama ba namang palitan ng walang ni ha ni ho? too late ko nang napansin na ligaya rubin na pala yung nakalagay sa instructor box, at akala ko nagloloko lang yung crs nun. pero tadaaaaah. kanina siya nga ang sumipot sa klase namin (sa totoo nga nag-iba pa kami ng room eh, pero whatever). Gusto ko pa namang maging prof si sir vlad. Hmp, tsaka kamon 10-4 lang naman sunod sunod ang klase ko, diba mas healthy kung maglu-lunch break ako ng 11.30-1.00? pag nacancel ko ang MPs, hello lunchbreak. Grr talaga, kasi i was expecting na magiging masaya, pero mukhang hindi. Then again, unang klase palang kanina, maybe i was judging too fast. At pagkatapos ng mabilisang google search natuklasan ko na creditable naman siya. So maybe i shall stick with it, and learn a lot. Sa totoo lang nag MPs ako para maging prof si sir vlad (at para narin maging kaklase si clang) at ngayong iba na ang prof, nawawalan na ako ng ganang ipagpatuloy ang subject na yun. kasi kamon, i could've traded it for a better AH subject. Pero sige na nga. Baka marami rin naman akong matututunan sa kanya. Aba't dapat lang na marami akong matutunan sa kanya. Ayoko ng repeat ng highschool malikhaing pagsulat no. Challenge din to sakin, kasi gusto niyang neat ang papel, and i am anything but a neat writer. i'm more of a neat typist. haha. ang gulo gulo kasi ng sulat ko eh, mas sanay na talaga akong mag type. At least malinis pag binura.

Anyway, i'll just make the best of it. Malay mo, makagawa pa ako ng obra maestra under her class. haha. asa eh.

i'm sooo not satisfied sa mga subjects ko ngayon. Film subjects are fun, kasi andami kong close blockmates na kaklase. (well, halos lahat ng k4 nagtitipon tipon sa mga subjects na yun eh.) It's my GEs that suck: STS ba naman na boooooring at may group reports at nanghihinayang ako kasi meron pa kong ibang mas gugustuhing kunin na mst: like geol or math 2 or marine science or mbb or envi sci or l arch or a bit of engg. but no, i have to get a freaking STShit. sana talaga puro mst nalang kinuha ko nung freshie ako. miss ko na pagiging freshie, sobra. Taposyung prof issue pa sa MPs 10. haay naku minamalas talaga ako no? o baka naman may greater plan sakin si lord parang yung sa lingg 1, na ok naman pala. haha. sana lang. come to think of it, sts doesn't seem so bad anymore.

putek yung pantal pantal ko, hindi parin naglalaho. kelan ba nila balak magdisappear? nakadidiring tignan at soooobrang kati. nilagyan ko na ng sandamakmak na alcohol at virgin coconut oil, sana gumana at paggising ko bukas wala na. Speaking of tomorrow, me class pa ako. rifle marksmanship. yey! buti nalang nagbukas sila ng bagong PE last friday. sana matino yung prof ko dito. whee excited na ako (kahit na bigayan lang naman ng classcards bukas, malamang.) may comm100 din ako, urgh. sana okey ang prof, TBA sa crs eh, kaya hindi ako maka-research. haha.

may pasa akong malaki sa binti, mukhang nebula. as in may inner red na color at blue yung outer, tapos ang ganda ng pagkakablend. haha maaliw daw ba sa pasa. at ang weird pa kasi hindi ko alam kung bakit ako nagkapasa. antaba ko na. haha.

osige, tapos na akong mag-ramble. hanggang sa muli! :D



Posted by chronicwind on June 16, 2007 at 12:46 AM | 1 caught a feather
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

barts (guest)

Comment posted on May 14th, 2009 at 06:48 PM
Hi. Naging Okei ba si Mam Gaying/Ligaya? Enlist sana ako sa class niya eh. thanks. sana po makareply ka.