twenty lessons
bonding with mafi and tatang was funfunfun, as always. haha. bonding with ronipe and aaron was fun too. :D oh and DO YOU REALIZE! yesterday, it was twenty days before your twentieth. significance? none, but in order to practice your rotting brain (and instill much-needed self-discipline), you need to write, each day, one lesson that you learned in your nearly twenty years of existence. GO!
lesson1: LIFE IS BETTER WHEN SHARED WITH FRIENDS.
Ngayong college ko lang talaga naramdaman at sobrang napahalagahan ang pagkakaroon ng kaibigan. Hindi kasi ako palakaibigan dati.. sure, i have my set of friends but i'm not usually one who will initiate a conversation. (grabe lang yung pagshift ko from one language to another, keri?) ayun. lately napagtanto ko na mas masaya talaga ako pag kasama ang mga kaibigan, kesa kasama ang pamilya.. which is nakakaguilty minsan, since kamon, pamilya ko sila; feeling ko ang ingrata ko dahil yun nga, mas masaya ako sa company ng mga kaibigan. may nag-advice sakin dati na treat friends as your family and your family as your friends. haha maganda ito, so wherever you go you'll have both. :)) so ayun, feeling ko kelangan ko pang i-close ang family ko, bilang sila parin talaga ang nakakaalam ng lahat ng baho ko. Sobrang thankful talaga ako ngayon dahil marami akong kaibigan na tanggap kung sino ako - mga taong pwede kong ibahagi ang aking kasiyahan pati kalungkutan. Parang kulang talaga ang buhay kung walang social interaction diba? Para saan pa ang buhay kung hindi mo rin naman ibabahagi. hehe. Grabe nabiyayaan talaga ako ng Diyos. :D salamat po!