February 13, 2010
Nakakainis.
Minsan, nakakainis din mabuhay sa isang panahon kung saan laganap ang teknolohiyang pangkomunikasyon. Walang takas. Walang excuse na hindi makapag-ugnayan, lalo na kung alam naman nilang nasa bahay ka at may phone, cell phone, internet. Wala kang takas.
Nakakainis kasi minsan gusto mo ng katahimikan. Yung walang gugulo sayo. Yung hindi ka pwedeng tawagan, itext, macontact, mapuntahan. Ngunit kahit na pumunta ka pa sa kalagitnaan ng kawalan ay may gugulo parin: ang ingay na nasa loob ng utak mo. Pinepressure ka. Pinagsasbihan, pinapaalalahanan, pinakakaba, pinabibigat ang loob. Nakakainis. Nakakainis kasi wala kang takas sa sarili mo.
Posted by chronicwind on February 13, 2010 at 10:31 PM | catch a feather