friendster
Nagbukas ako ng friendster kanina, out of curiosity. To my surprise there are still lots of people who are active there kahit na matagal nang lumipas ang fster glory days. Kala ko lahat nasa facebook na at virtual amag nalang ang makikita ko sa friendster. Sorry pero may perception akong loser at pathetic ang mga active parin ng friendster, yung mga hindi makamove on sa buhay. HAHA pero naisip ko, shet parang ako lang yun with multiply. Not that hindi ako makamove-on, but I really think na mas ok ang connectiong nagagawa ng multiply. Facebook kasi I find na parang disposable ang feeds nya due to its fast-paced nature. Sa multiply, masaya balik-balikan ang mga larawan, ang comments, ang blogs. Sa fb malolost ka nalang. Mas archive-able ang multiply entries, kumbaga. Kaya multiply nalang ulit tayo lahat please. :( HAHA
So ayun nga, may mga tao din siguro na ang perception sa mga nagmumultiply pa ay losers, mga hindi makamove on sa buhay. And I am not a loser (haha) so I berated myself - anubayan ang kitid naman ng pag-iisip ko. Maybe there are still those who prefer it than fb for some reason, like the ability to personalize your profile (or loyalty? haha charos), at hindi ko sila dapat i-judge. Kanya-kanyang trip lang yan.
Friendster seems like such a long time ago. The pictures, the people.. yung ako dun, parang hindi na ako. The oldest profile picture I have there is one when I was seventeen. MYGAHD I'M SO OLD SEVENTEEN IS WAY WAY WAY BACK IN THE PAST! HAHAHA. Ang dami nang nangyari, pero parang wala naman talaga. Haha gets nyo yung ganung feeling?
Ok back to social networking sites. I wonder what will become the new FB. Haha something that would allow video chats and phone calls? skype + sns integration ba. It's amazing, the speed of technology. Isn't it just five years ago where flash drives are almost unheard of and we are contented with the use of floppy disks? Floppy disks, the words themselves are so long ago! Ambilis ma-phase out ng mga bagay-bagay. What's next? 3-D computer monitors (God forbid!) HAHA tas kelangang iupdate lahat ng website into 3-D. hmmm challenging yun a. I miss webdesigning. ayan nagdiverge nanaman ako.
Even if technology moves as such a fast rate, there are still a few things that hardly change at all. Yesterday I got an FB pm from an old gradeschool friend, inviting me to her birthday party. 11 years na kaming hindi nagkikita imagine! HAHA. there are still that threads of connection na hindi nase-sever, no matter how fast technology becomes, or how fast people change.
Narealize ko rin na tumatanda ka na pag andami mo nang 'small world' moments. tipong: "wow kilala mo si ganito? kilala ko rin!" "a talaga? paano? small world!" haha okay so ampangit kong gumawa ng enieni dialogue but I hope you got the point anyway. :))
Wow ang haba ng post na to, not the twitterish posts na lagi kong chinuchurn out. Ilaveet. I really should write more often.