Sa mga taong maganda, sa mga taong talentado, sa mga taong magaling magsalita, sa mga taong bonggang socially-aware, sa mga taong overachievers, sa mga taong ubod ng talino, sa mga taong magaling magtime-manage, sa mga taong desidido na kung ano ang gagawin sa buhay, sa mga taong alam na talaga ang kanilang passion, sa mga taong lahat ng ito..

Pero pinakanaiinggit ako ngayon sa mga taong nakakapagkeep ng friendship. As in kahit one year lang sila nagsama nung gradeschool at college/grads na sila ngayon, connected pa rin sila nambonggz. Ang galing! Sobrang nireregret ko tuloy na hindi ako nag-effort na imaintain ang friendship namin ng gradeschool friends ko. After ko lumipat ng school wala na, wala na kong alam sa kanila and we drifted apart.

Sure, iilan lang talaga ang tatapak at mananatili sa buhay mo. Pero kung pwedeng mas marami, why not diba. HAHA. Minsan hindi talaga maiiwasan yung magddrift apart kayo. People change, circumstances change. Pero yung hindi mo man lang pinag-effortan na i-keep yung friendship, that's different. And that's what I regret.

Masaya magkaroon ng kaibigan. Mangyari na sakin lahat, wag lang ako "maubusan ng friends". HAHA. I love my closestfriends to bits. They're the best; they're like family. I'm so blessed to have them at sila talaga yung bonggang ineeffortan kong i-keep ngayon. In the future kapag uugod-ugod na kami at just in case hindi na kami as close as before or wala na kaming alam sa isa't-isa, hindi ko yun ireregret dahil alam kong binigay ko ang lahat ng aking makakaya (meganun?) para mamaintain yung friendship. Malulungkot lang ako, pero no regrets.

Nakakainggit talaga pag nakakita ka ng group of lolas and lolos tapos malalaman mo na since childhood pa sila friends. Ang ganda nun. Sana ang kinaiinggitan ko ay ang future na ako; ang future na kami.

Posted by chronicwind on July 11, 2010 at 01:10 AM | catch a feather
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.