Survived biking in C5 today. Scary shit @_@ mahirap talaga makasabayan ang trucks and fast cars but a wide road is better than a narrow one (I'm looking at you, white plains!)
Today's bike log. 21.1 km
Whew, ang struggle mag google map. Routes do not cooperate! Sana pwede ko nalang iplot yung points na parang nagddrawing using pen tool. Sana meron ding function ang google maps na nagsasabing, subdivision to! Or wait, color coordinated naman ata? Took some time to plan my route tapos ang plan pala ay dadaan sa subdivision at walang labasan dun @_@ well feel ko naman meron talaga ayaw lang ako papasukin. So hindi ko naiwasan ang EDSA. Lerks. Pero ang pinakalerks parin talaga ay White plains to katipunan. That stretch of road. Walang sidewalk na matinoo (dirediretso) at super siksikan yung mga cars, wala masyado space bet cars and gutter so nahihirapan ako sumingit lalo na't di pa ko confident sa aking singit skills and super takot ako ma-door. Ang pinakahate ko parin pala talaga ay motorcycles huhu bigla bigla nalang sumusulpot AND JEEPNEYS GRABE ANG POLUSYON. Sana talaga maabolish na ang lahat ng ganung jeeps at mapalitan na ng ejeepneys.
Shangri-la is not bike friendly. Wala siyang bike racks AT ALL at para mapark yung bike kelangan mo magbayad ng 40. WTF kotse?? I AM DISAPPOINT, SHANGRI LA MALL! Kaya nga ako nagbike para rin hindi ako gumastos! Buti pa SM, kahit iisa lang yung rack ay meron (at libre). Kinailangan ko pa talaga maglakad from SM Mega to Shangri la and back.
Nagiging hobby ko na ata magbike ng tanghaling tapat ah? Left home at around 1:30 at shet ang itim itim ko nananaman na hindi pantay. Arrived at around 8pm. Travel time from All Terra is around an hour and a half.Antagal ko sa white plains tsktsk. Nagffeeling kotse kasi ako most of the time, as in sinasarili ko yung lane kasi ayaw ko nga sumingit pag super kitid yung daan.
Yung papunta ko from bahay to shaw is an hour, faster in bike than commute yey! Kaya lang I think pollution is really killing me and taking all the positive effects bikes should bring health-wise. Ii need a mask na may filter or yung headdress na di makapal to keep the freaking pollution away from my face, I swear parang diretso sa brain ko yung usok THAT IS NOT GOOD. WHY MUST MANILA BE SO POLLUTED :(((
Lerler yung All Terra wala sila lahat ng hinahanap ko: fingerless gloves, mask, chain protector, cheap front lights for my bike (cheapest they have is 750), tapos ako sa loob ko WTH WELL, WHAT *DO* YOU HAVE??! Lerks pero sobrang ok ng customer rep so you wouldn't have the heart to be annoyed. Ay tapos ang heartbreaking, sabi ni customer rep hindi daw pwede ipaupgrade to sixspeed yung bike ko kasi konti lang yung space, andaming kelangan palitan at tanggalin if ever. Pero yung sa John Wilkie sabi ok naman daw siya palitan. OHWELL sana, sana pwede talaga.
Andami ko nang raaants I have to go get some sleep.